Search
  • MC / Alvin Olivar

TOP PBC FIGHTERS, KURSUNADA PANG MAKAHARAP NI PACMAN


OPISYAL nang ina­nunsiyo ni Manny Pacquiao na lumagda na siya sa isang kasunduan kay influential adviser Al Haymon.

Ang 39-anyos na si Pacman ay unang nai-promote ni Bob Arum ng Top Rank sa mahabang panahon. Kamakailan lumagda na ang Pinoy icon kay Haymon upang matiyak ang malaking kikitain lalo na sa rematch kay Floyd Mayweather Jr.

Ang unang laban ng Pacquiao deal kay Haymon ay kontra kay Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Ang naturang laban ay una nang inanunsiyo na “90 percent” done. Bukod kina Bro­ner at Mayweather, na ina­asahang muling lalaban matapos na magretiro ng third time, nirerepresenta rin ni Haymon ang mga welterweight champions na sina Errol Spence Jr. (IBF), Keith Thurman (WBA) at Shawn Porter (WBC).

“I’m very excited about this new chapter in my career and I’m looking forward to a fresh start,” saad ni Pacquiao sa statement na inilabas noong Lunes. “I’m reinvigorated by the prospects of bringing up new fighters under the MP Promotions banner. My team will work closely with Al Haymon for the remainder of my career to deliver the most anticipated fights with the top PBC fighters. Those are the fights the fans want to see and the ones I want to have to close out my career.”

Biglang nagka­totoo ang May­wea­ther-Pacquiao re­match nang talunin ni Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) si Lucas Mat­thysse (39-5, 36 KOs, 1 NC) ng Argentina sa 7th round ng huli niyang laban para sa WBA welterweight title no­ong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang panalo ni Maywea­ther kon­tra Pacquiao noong Mayo 2015 ay humakot ng pinaka­malaking kinita kumpara sa iba pang boxing event sa kasaysayan ng sport. Tuma­bo rin sa record ang 4.6 million pay-per-view buys at $600 million sa kabuuang kita.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.