Search
  • BULGAR

Sa TESDA, high school graduate, pasok!

ALVIN FELICIANO / TESDA AT YOUR SERVICE

Mga ka-TESDA, kung nais tipirin ang edukasyon ay siguraduhin ninyong sulit ang gagawing aksiyon. Ang edukasyon ang tanging kayamanan na hindi natin maipagpapalit sa kahit anuman kaya napakahalaga ng edukasyon para sa TESDA at ibinibigay nila ito ng libre upang maipamahagi sa nakararami.

Tanong: Magandang araw! Ang aking anak ay kasalukuyang nag-aaral sa high school at malapit ng magtapos. Gusto kong malaman kung puwede ko na siyang i-enroll sa TESDA kahit hindi pa siya nakaka­pagtapos? —Maylene Cardinal ng Rizal

Sagot

Mga ka-TESDA, mas maigi at pasok sa requirements ng TESDA na kayo ay naka­pagtapos ng high school dahil kakailanganin din ang inyong diploma. Kung malapit nang magtapos ang inyong anak ay maaari na niyang pag-isipan ang kursong nais kunin at ihanda ang mga papeles upang mabilis ninyong maasikaso ang kanyang training.

Tanong: Magandang araw! Nais kong pag-aplayin ang pamangkin ko sa TESDA ngunit, natatakot siya dahil baka raw hindi niya kayanin ang kurso at pag-aaral, lalo na ang biyahe dahil kami ay taga-Cainta. Mayroon ba kayong malapit na branch dito? — Juan

Sagot

Mga ka-TESDA, kung kayo ay naninirahan sa Cainta, Rizal, mayroon tayong TESDA na pinakamalapit sa inyo. Ang maaari ninyong puntahan ang training center ng TESDA sa Cainta sa lokasyong Cainta Municipal Compound, A. Bonifacio Avenue, Cainta, Rizal. Tumawag sa kanilang mga numerong 656-9937 upang maka­sigurado.

Mga ka-TESDA, makakukuha kayo ng slot sa nais ninyong kurso kung aagahan ninyo ang pagpunta at makapagpapareserba agad. Laging tandaan na kung agad ninyong aasikasuhin ito ay mas mapadadali ang pagsisimula ng inyong training kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mag-enroll na!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.