top of page

Tips para matulungan ang estudyante na huwag matakot sa Math

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2018
  • 2 min read

LAHAT tayo ay mayroong kalakasan at ka­hinaan sa iba’t ibang mga bagay. Mula pagka­bata hanggang sa paglaki ay may kani-kanya na tayong paborito at angking-galing sa parti­kular na subject tulad ng Science, English, Filipino at P.E.

Siyempre, hindi maiiwasang mayroon din tayong subject na kinatatakutan at karaniwan nito ay ang Math na tinatawag na mathematical anxiety o mathemaphobia.

Si Irish-American Mathematician Mary Fides Gough, ang isa sa mga unang nakatuklas at nagpangalan ng nasabing kalagayan noong 1950 kung saan ginawan nito ng iba’t ibang pag-aaral ang dahilan ng mabababang Math test results ang mga estudyante noon.

Noong 1972, nauso ang paggamit ng Math anxiety measurement scale na inimbento nina Richard­son at Sunn.

Ibinahagi sa ating email ng ilang guro, pu­nong-guro at clinic teacher ng private o public school ang kanilang obserbasyon sa mga mag-aaral na may phobia sa Math.

Tuwing alas-dos daw ng hapon, pawis na pawis na darating ang estudyanteng tulad ha­lim­awa ni Joyce sa kanilang faculty office at iniinda ang masakit na tiyan, ulo o iba pang ba­hagi ng katawan.

Hindi siya mapalagay at ayaw na raw niyang bumalik sa klasrum kaya dadalhin siya sa clinic. Pagkalipas ng 40 minuto, handa na siyang bu­malik sa klase.

Nasuri ng isang psychiatrist na mayroon daw mathemaphobia si Joyce at inaming naka­raramdam daw siya ng tensiyon at kaba sa tu­wing oras na ng Math class.

Si Joyce ay likas na matalinong bata sa anu­mang subject maging sa Math. Ngunit, nagsi­mulang mag-iba ang pagtingin nito sa mga nu­mero mula nang mamatay ang kanyang tatay at inilipat siya sa pampublikong paaralan.

Ayon sa mga eksperto sa Stanford Univer­sity, maaaring may pinagdaraanang lungkot, kabiguan at kahihiyan ang mga estudyanteng may mathematical anxiety.

Narito ang mga sintomas nito base sa ilang pag-aaral:

  • Nakararamdam ng nerbiyos tuwing sumasagot ng Math problems.

  • Tahimik habang nasa Math class.

  • Pakiramdam niya na siya lamang ang ma­hinang maka-pick-up ng aralin at hindi nakaiin­tindi sa tinuturo ng kanilang guro.

  • Iniisip niyang permanente na siyang ma­giging mahina sa mga Math lesson at nawa­wa­lan ng pag-asang mag-improve.

  • Hindi kampante sa sariling sagot at umaasa sa ibang tao na sagutan ang seatwork o home­work.

  • Nagpa-panic kapag may test dahil biglang nakalilimutan ang formula o sagot.

Sa kabila ng kalagayang ito, marami pa rin ang mga batang takot mag-recite o sumagot sa blackboard ngunit, maganda ang kinalalaba­sang test scores, lalo na sa Trigonometry at Algebra.

Kung minsan, nauunahan lamang ng takot ang mga estudyante dahil walang kumpiyansa sa sarili na kaya nilang intindihin at sagutan ang mga formula.

Narito ang ilang suhestiyon para ma­tulungan ng magulang at guro ang anak na mawala ang kanilang pangamba:

  • Gawing creative ang pagtuturo ng Math tulad ng paghahalintulad nito sa paglalaro ng sports.

  • Itulad ang mga quiz o exam sa pagsubok sa buhay upang maikonekta at mas maintin­dihan.

  • Positibong iparamdaman na sila ay ma­husay at huhusay pa sa Math.

  • Kumuha ng tutor na magtuturo nang ma­buti sa mga aralin at disiplina sa pag-aaral.

  • Kailangan nila ang panghihikayat o motibas­yon mula sa kanilang guro at magulang na kaya nila itong gawin.

Mahalaga para sa kanila na ma­laman na may nagtitiwala sa kanilang kaka­yahan para sila rin ay magtiwala sa kanilang mga sarili.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page