- BULGAR
P-Duterte, aminadong 'di kayang masolb ang trapik, droga, korupsiyon at taas-presyo, pambihirang
PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN
ANG DAMING HINDI KAYA NI P-DUTERTE —Sabi ni P-Duterte, hindi raw niya kayang pababain ang high inflation.
Ganu’n? Pambihirang pangulo ito, napakaraming problema ng bansa ang hindi niya kayang lutasin tulad ng hindi niya kayang ipaglaban ang West Philippine Sea (WPS), endo, traffic, drugs, korupsiyon at ang latest, hindi rin niya kayang pababain presyo ng mga bilihin.
Kulang na lang ay gayahin ni P-Duterte ang pinausong salita ni ex-DILG Sec. Mar Roxas noon sa mga biktima ng Bagyong Yolanda na “bahala na kayo sa buhay n’yo”, period!
◘◘◘
BAKIT GUSTONG PATAHIMIKIN NI P-DUTERTE SINA AQUINO AT LAPEÑA SA ISYU NG PUSLITAN NG SHABU SA BUREAU OF CUSTOMS? — Kahit pinagsabihan na raw ni P-Duterte sina PDEA Director Aaron Aquino at Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña na tantanan na raw ang bangayan tungkol sa naipuslit na tone-toneladang shabu sa Adwana ay hindi pa rin nagpaawat ang PDEA head sa pambubulgar at ang latest niyang ibinulgar ay hindi lang daw P6.8 bilyon ang halaga ng shabu na nasa mga magnetic lifter na ipinuslit palabas ng BOC kundi P11 bilyon worth daw ng shabu.
Grabe, ang daming shabu niyan at maraming buhay ang masisira dahil d’yan! Aba teka, ‘di ba, hate ni P-Duterte ang drug pero, bakit gusto niyang patigilin ang mga bibig nina Lapeña at Aquino sa isyung ito? Kataka-taka!
◘◘◘
ANG SUWERTE NI DIANE UY, CHINESE SIYA DAHIL KUNG MARALITANG PINOY SIYA, TODAS NA SIYA—Inabsuwelto raw ng korte ang anak ni suspected Chinese Drug Queen Yu Yuk Lai, na si Diane Uy na nakumpiskahan ng sangkaterbang shabu na worth P10 milyon sa kanyang condo unit sa San Miguel, Manila na ilang metro lang ang layo sa Malacañang noong Nobyembre 2017.
Suwerte ni Diane Uy, Chinese siya kasi kung nagkataon na maralitang Pinoy na adik ito o kaya runner ng shabu sa mga iskuwater area, dedbol na ‘yan, boom!
◘◘◘
VK NI ‘EDWIN MANOK’, NAGKALAT SA MUNTI—Nagkalat na rin daw ang mga salot na video karera ni “Edwin Manok” sa Muntinlupa City.
Grabe, sa dami ang mga illegal gambling sa jurisdiction nina Mayor Jaime Fresnedi at Chief of Police Supt. Gerardo Umayao kasi may jueteng, lotteng at sakla tapos may VK pa, buwisit!