Misis patay sa gulpi ni mister
- Levi Gonzales
- Oct 26, 2018
- 1 min read
DEDBOL ang isang misis matapos gulpihin ng kanyang mister sa kanilang bahay sa Bgy. Sta. Cecilia, Tagkawayan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Dolores Sarsaba, 61, habang ang suspek na asawa ay si Rodrigo Sarsaba, 67.
Pasado alas-5:00 ng hapon nang magtalo umano ang dalawa sa hindi pa matukoy na dahilan.
Nag-init umano ang ulo ng suspek hanggang sa bugbugin at hatawin ng matigas na bagay sa katawan ang misis nito.
Nawalan ng malay ang biktima kung saan dali-daling isinugod ito ng suspek sa pagamutan, ngunit, idineklarang dead-on-arrival. Kusang-loob namang sumuko ang salarin.





Comments