Lasang pupu at ihi raw, Jennylyn… DENNIS, TUMALON SA TULAY NANG WALANG DOUBLE, NAKAINOM NG TUBIG
- Nitz Miralles
- Oct 26, 2018
- 1 min read

SA November na ang simula ng airing ng action/drama ng GMA-7 na Cain at Abel kaya sunud-sunod ang taping. Noong isang araw, sa isang tulay sa Sta. Cruz, Laguna ang shooting ni Dennis Trillo kung saan tumalon siya sa tulay nang walang double.
Sa nagtanong kung ano ang lasa ng tubig, ang sagot ni Dennis, lasang tubig na hinaluan ng dumi at ihi ng tao, pero siniguro niyang walang mga ‘pupu’ nang tumalon siya.
Kinailangan niyang gawin ang eksena dahil dapat, siya talaga mismo ang tatalon, para mas realistic ang feel.
Sa nagsabing hindi niya dapat ininom ang tubig sa ilog, alam nating lahat na ‘pag nasa ilog o dagat tayo, hindi maiwasang makainom tayo ng tubig at ‘yun ang nangyari kay Dennis.
Sa teaser na ipinalalabas ng GMA-7 para sa Cain at Abel, maaksiyon ang show at laging binubugbog si Dennis. May eksena ring si Dingdong Dantes naman ang binubugbog at nambubugbog.
Kasama sa cast si Dina Bonnevie sa hindi pa alam na role at sina Sanya Lopez at Solenn Heussaff as the leading ladies. Marami pang kasama sa cast ng Cain at Abel na mula sa direction nina Don Michael Perez at Mark Reyes.





Comments