Search
  • BULGAR

Feeling sariling pera ang ipinanggastos, galing naman sa bulsa ng taumbayan | Pangalan ng pulitiko s

RYAN B. SISON / BOSES

KASUNOD ng hirit ng ilang negosyante na huwag limitahan ang biyahe papuntang Aklan, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na sabihan ang stakeholders na huwag gumawa ng iba’t ibang gimik para lang pasalamatan siya dahil sa nangyaring rehabilitasyon sa Boracay Island.

Ito ay dahil hindi niya gustong purihin siya ng lahat dahil sa muling gumanda ang isla.

Gayunman, ayon kay Sec. Puyat, napaala­lahan na niya ang Boracay Inter-agency Task Force (BIATF) na tigilan na ito pati na rin ang iba pang mga ahensiya.

Samantala, kung ayaw ng pangulo na pu­rihin siya sa mga nagawa niya para sa ating bansa, sana ay gayundin ang ilang opisyal na nakaupo sa gobyerno.

Kung saan halos lahat na ng establisim­yento ay nilagyan nila ng kanilang pangalan at apelyido, pero kung tutuusin tayong mga mamamayan din ang bumubuo ng pondo para sa mga ito.

Kaya kuwestiyunable kung bakit mukhang nagiging sobrang laki ng utang na loob natin sa mga “epalitiko” sa tuwing may proyekto silang natatapos at nagagawa?

Kung tutuusin, mayroon din tayong naiam­bag para sa mga ito dahil sa mga binabayaran nating buwis kung saan sila nakakukuha ng pondo para makagawa ng isang proyekto.

Kaya ang panawagan natin sa pamahala­an, i-ban din sana ang mga opisyal sa paglalagay ng mga pangalan sa mga proyektong iniatas sa kanila tulad ng rehabilitasyon ng mga basketball court, bagong health center, pag­lalagay ng electric fan at kung anu-ano pa nang sa gayun ay maiwasan ang vandalism at ang paglaganap ng mga “epalitiko”.

At palagi nating tatandaan na hindi dapat sa mga nakapaskil na pangalan ibinabase ang naitulong ng mga opisyal kundi sa mismong kilos na ipinararamdam nila sa kanilang nasasakupan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.