top of page
Pokwang.jpg

Doktor nagbigti

Gina Pleñago
Oct 26, 2018
1 min read

INAALAM pa ng Las Piñas City Police ang dahilan ng pagpapatiwakal ng isang doktor sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanilang bahay.

Patay na nang matag­puan ang biktimang si Brian Raysen Carillo, 39, binata, isang physician.

Sa naantalang ulat na nakarating sa SPD, natag­puan ng kanyang ina na si Ofella, ang biktima na naka­bitin ang katawan at wala nang buhay sa loob ng silid nito, alas-12:30 ng tanghali nitong Oktubre 23.

Base sa inisyal na imbes­tigasyon ni SPO3 Rey La­yosa, walang nakitang anu­mang sugat sa katawan ng biktima maliban sa marka ng bigti sa leeg nito.

Nabatid na hiniling ng Scene of the Crime Opera­tives (SOCO) na magsagawa ng teknikal na imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Sinabi naman ni Las Piñas City Police Chief, Se­nior Supt. Marion Balong­long, na tumanggi o ayaw magsalita ng Pamilya Carillo kaugnay sa umano’y motibo sa pagpapakamatay ng bik­tima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page