top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

CURRY, PANG-4TH PLAYER SA 54 PTS. SA WAKAS, NANALO RIN SI LEBRON

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2018
2 min read

NAKAPAGTALA rin ng panalo si LeBron James para sa Los Angeles Lakers kontra Phoenix Suns. Sa ikaapat niyang paglalaro sa Lakers, tumapos siya ng 19 puntos, 7 rebounds at 10 assists sa bisa ng 131-113 victory kontra host Phoenix Suns kahapon.

Nakapagtipa si Lance Stephenson ng 23 points, 8 rebounds at 8 assists, habang si JaVale McGee ang nanguna sa five starters sa bisa ng dobleng pigura na 20 puntos. Umiskor si Kyle Kuzma ng 17 points at si Josh Hart na sa unang salang sa Lakers ay naka-15 points.

Tumabo si Phoenix guard Devin Booker ng 23 points bago dumanas ng left hamstring injury sa 3rd quarter. Si Deandre Ayton ay may 22 points at 11 rebounds, habang sina Tyson Chandler ay may 14 points at 11 rebounds. Si James ay may 10 points at 5 assists sa second quarter upang akayin ang Lakers na lamangan agad ang Suns sa 44-24 at ilista ang 76-54 lead sa first half. Samantala sa iba pang laban, umiskor si Stephen Curry ng 51 sa unang 3 quarters para iangat agad ang Golden State Warriors. Si Curry ang naging ika-apat na NBA player sa nakaraang 10 taon na umiskor ng higit pa sa 50 sa unang tatlong quarters kahapon at bitbitin ang Warriors sa 144-122 victory kontra Washington Wizards sa Oakland, California.

Lumagare si Curry ng 8-point sa second quarter hanggang 23 puntos kapantay sina James Harden, Carmelo Anthony at teammate Klay Thompson na may 50 at higit pang puntos sa unang 36 minuto sa NBA game ng nakaraang dekada. Naupo na sa 4th quarter si Curry bago nagdagdag ng 3 puntos para sa 54 puntos. Ang 51 puntos ay maituturing na NBA season high, nilampasan ang 50 na iniskor ni Blake Griffin ng Detroit Pistons kontra Philadelphia kamakalawa. Karamihan sa iskor ni Curry ay mula sa 3-pointers na tumipa ng 11. May 13 ang kanyang career high.

Dumagdag si Kevin Durant ng 30 points at si Thompson ay 19 para sa Warriors na umibayo sa 3-0 sa balwarte ngayong season. Ang Warriors ay may nagawang 58.2 percent shot sa game, kabilang na ang 46.9 percent (15-for-32) mula sa 3-point range. Si Bradley Beal ay may 23 points at pangunahan ang Wizards na galing sa overtime victory sa Por­tland. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page