- Pabs Hernandez III
Tulak todas sa drug-bust
QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation sa Bgy. Bocohan, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Joseph Villamin, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Villamin, pero pinagbabaril nito ang mga awtoridad.
Agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.
0 comments