Search
  • Paul Lamsen

Tserman niratrat, utas

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang barangay chairman makaraang pag­babarilin, kamakalawa nang hapon sa San Jacinto, Pan­gasinan.

Kinilala ang nasawi na si Lito Ronquillo, may asawa, kapitan ng Bgy. Kapaway.

Ayon sa imbestigasyon, nagmamaneho ang kapitan ng kanyang motorsiklo at papauwi na nang sundan ng mga hindi pa nakilalang ar­mado lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinag­babaril ito.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.