top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-Duterte, out sa meeting ng mga powerful na bansa dahil daw sa pagiging palaaway, hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2018
  • 2 min read

CALIDA, ‘YARI’ KAY SEN. TRILLANES SA SENATE PROBE—Matapos mabigo si Solicitor General Jose Calida na maipakulong si Sen. Antonio Trillanes IV ay nagpasya na si Sen. Ri­chard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na pagbigyan ang kahilingan ni Sen. Trillanes na imbestigahan ang multi-million peso security contract na ipinasok ng pamilya ni Calida sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Alam nang lahat na si Calida ang nasa likod ng Proclamation 572 ni P-Duterte na nagbu-void sa amnesty ni Sen. Trillanes dahil nais nitong maipakulong ang senador para hindi na siya maimbestigahan ng Senado, pero ni-reject ng Makati RTC Branch148 ang hirit na warrant of arrest ng DOJ laban kay Sen. Trillanes.

Dahil tuloy na ang imbestigasyon kay Calida, siguradong “yari” siya kay Sen. Trillanes, abangan!

◘◘◘

P-DUTERTE, ETSAPUWERA SA G20 SUMMIT—Sa mga naging chairman ng ASEAN, bukod-tanging si P-Duterte lang ang hindi inimbitahan sa idinaos na G20 Summit sa Germany ng mga powerful na bansang kinabibilangan ng US, China, Russia, India, Japan, South Korea at European Union.

Sayang, napakaimportante pa naman ng pagtitipon na ito dahil may pagkakataon sana ang Duterte gov’t. na himukin ang bansang kasapi ng G20 na mag-invest ng negosyo sa Pilipinas.

Siguro, kaya inetsapuwera si P-Duterte sa pagtitipon na ito ay dahil sa pagiging palaaway nito sa ibang bansa, period!

◘◘◘

HINDI PALA ALAM NI ROBIN ANG KAHULUGAN NG POLITICAL DYNASTY—Nag-post sa social media si actor-TV host Robin Padilla na ang malaking problema raw ng bansa ay ang political dynasty, pero suportado raw niya ang kandidatura ng magkapatid na sina re-electionist Davao City Mayor Sara Duterte at for vice-mayor, ‘Baste’ Duterte.

Dahil diyan, lumalabas na hindi naiintindihan ni Robin ang kahulugan ng political dynasty o magkakapamilyang sabay-sabay na kumakandidato sa panahon ng halalan, boom!

◘◘◘

KAY ‘RYAN’ ANG JUETENG, KAY ‘CARLO’ ANG LOTTENG SA QC—May dalawang bagong iligalista na sumulpot sa Quezon City at sila ay sina “Ryan” na nagpapa-jueteng at “Carlo” na nagpapa-lotteng.

Paging Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista at QCPD Director Joselito Esquivel, Jr. paki-”tokhang” sina “Ryan” at “Carlo” para matigil na ang panraraket nila sa mga residente ng QC, plis lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page