Search
  • Eddie M. Paez, Jr.

ORCULLO, PAGULAYAN, BIADO, NANDISPATSA PA SA U.S. 9 BALL


NAGPATULOY ang arangkada sa winners’ bracket ng mga Pinoy cue artists na sina Carlo “Black Tiger” Biado, Dennis “Robocop” Or­cullo, Alex “The Lion” Pagulayan at Zoren James “Dodong Diamond” Ara­nas matapos nilang idis­patsa ang kani-kanyang mga katunggali sa pres­tihiyosong 2018 U.S. 9-Ball International Open sa Norfolk, Virginia.

Ang US bet na si Frank Hernandez ang na­ging huling biktima ni Biado, hari ng 2017 World 9-ball at kasalukuyang World Pool Billiards As­sociation (WPA) no. 2, nang manaig ang huli sa iskor na 11-9 sa torneong sinasabing halos pang world 9-ball cham­pionships ang kalibre dahil sa rami ng mga ma­lulupit na bilyaristang ka­lahok mula sa iba’t-ibang parte ng daigdig.

Dikdikan din ang na­ging banggaan nina Or­cullo, kasalukuyang nasa pangalawang baytang sa AZBilliards moneyboard, at British ace Chris Mel­ling bago nangibabaw ang pambato ng Surigao sa iskor na 11-10.

Samantala, dinaig ni Pagulayan, tubong Isa­bela at isang dating world champion si A. Sikes ng Amerika (11-3) habang nalusutan ni Aranas ang kanyang pangalawang sunod na hill-hill na engkuwentro pagkatapos nitong manaig laban kay Tony “T-Rex” Chohan ng US (11-10) sa paligsahang may “double elimination” format at magkakaloob ng champion’s purse na USD 40,000.

Hindi pa rin nag-e­empake sina Warren “The Warrior” Kiamco, Eric Bayhon at Johann Chua dahil sa patuloy nilang pagkikig sa grupo ng mga manlalarong nakatikim na ng isang talo sa presti­hiyosong paligsahang nilapatan ng “double elimination” na format. Kasama sa mga matitikas na kalahok na wala pa ring talo sina WPA no. 1 Eklent Kasi ng Albania, batikang si Johnny “The Scorpion” Archer at Shane Van Boening mula sa USA, Russian Fedor Gorst, Finland gem Mika Immonen, Taiwanese Yu Lung Chang at Scotland pride Jayson Shaw.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.