- BULGAR
Nagkakagulo sa Customs, nagtatatalon ang smugglers, tsk-tsk-tsk!
KA AMBO / BISTADO
NAGKAKAGULO ngayon sa Bureau of Customs.
Nagtatatalon sa tuwa ang mga ismagler!
◘◘◘
BUKOD sa drug syndicates na kumokontrol sa Adwana, nasa ilalim din ng kuko ng rice smugglers ang Bureau of Customs.
Sila mismo ang nagpapataas sa presyo ng bigas!
◘◘◘
HINILING ni Gov. Imee Marcos na sibakin ang tiwaling rice importers.
Sila rin kasi ang bumubuo ng rice cartels.
◘◘◘
HINILING ni Gov. Imee na ibunyag sa publiko ang mga pangalan ng rice importers.
Makikita rito kung sinu-sino ang nagmamanipula sa presyo ng bigas.
◘◘◘
HINDI umano solusyon ang pagpapataw ng taripa sa imported rice.
Ang solusyon ay buwagin ang rice cartel.
Malaki ang tama ni Madame Imee!
◘◘◘
ANG rice traders at importers ay sila rin ang tax evaders na sumasabotahe mismo sa ekonomiya.
Kailangan malinis ang Adwana ng mga kawatan na ugat sa pagtaas sa presyo bigas.
◘◘◘
IBINUNYAG ni Gov. Marcos ang “rice mafia” na nagmamaniobra ng transaksiyon at kalakalan sa bigas.
Kumbaga, malinaw na may sindikato sa bigas.
Dapat, silang ma-tokhang.
◘◘◘
BATAY sa intelligence report, nagkukubli ang mga sindikato ng bigas.
Gumagamit sila ng “dummy” at hindi nagpapakilala sa publiko.
Dapat silang mahubaran ng maskara!
◘◘◘
INIREREKOMENDA ni Gov. Marcos na ilantad o i-post sa official website ang pangalan ng rice importers, rice traders at rice distributors.
D’yan pa lamang ay masusuri na ng publiko ang “pangalan” ng mga kawatan.
◘◘◘
DAPAT makiisa sa pagbubunyag ng rice traders ang mga ahensiya ng gobyerno.
Dapat ay ibunyag ang rice traders ng NFA, Bureau of Plant Industry, DTI, BIR at Department of Agriculture.
◘◘◘
KABILANG sa ibibisto sa website ang detalye ng transaksiyon sa bigas.
Pagkatao ng signatories, address, contact numbers, forwarders, importers at lugar ng bodega.
◘◘◘
KAPAG transparent ang transactions sa bigas, mawawala ang pagdududa at malaya ang publiko na masuri ang records na na-post sa website.
Kumbaga, magkaroon ng pag-audit mismo ang publiko na pangontra sa korupsiyon.
Iyan din mismo ang magpapababa sa presyo ng bigas!
◘◘◘
IBINISTO ni Gov. Imee na may listahan ang Department of Finance ng mga pangalan ng kumpanya, kooperatiba at importers ng bigas mula pa noong 2013.
Iyan mismo ay dapat na ilantad sa publiko.
Period!