top of page

Hindi basta madi-dismiss ang kasong rape kahit iniurong ang reklamo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2018
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Ipinasa namin bi­lang ebidensiya ang Affidavit of Desistance nang sam­pahan ng reklamong rape ang aking kapatid. Ngunit, hanggang ngayon ay hindi pa rin naidi-dismiss ng korte ang nasabing kaso. Tama ba ito? — Julia

Dear Julia,

Para sa inyong ka­ala­man, ang inyong katanu­ngan ay tinalakay din sa People of the Philippines vs. Orje y Borce (G.R. No. 189579, 12 September 2011) na isinulat ni Mahistrado Presbitero Velasco, Jr. ng Korte Suprema kung saan binigyang-linaw na ang Affidavit of Desistance ng complaining witness kung ito lamang ay hindi maaaring maging sapat na batayan sa dismissal ng kasong rape sa korte. Ipinahayag sa kaso na:

“Rape is no longer considered a personal criminal offense listed as among the crimes against chastity defined and punished under Title 11 of the RPC, as amended. Republic Act No. (RA) 8353 or the Anti-Rape Law of 1997, has reclassified rape as a crime against person. In effect, rape may now be prosecuted de oficio; a complaint for rape commenced by the offended party is no longer necessary for its prosecution. As corollary proposition, an affidavit of desistance by the complaining witness is not, by itself, a ground for the dismissal of rape action over which the court has already assumed jurisdiction.” (Binigyang diin)

Ayon sa nabanggit na desisyon, ang rape ay crime against person at hindi na ikinokonsidera na personal criminal offense. Dahil dito, ang complaint sa rape na sinimulan ng complaining witness ay maaari nang maipagpa­tuloy de-officio ng huku­man at ang reklamo tungkol dito ay hindi na kinakaila­ngan para sa pag-uusig nito. Kaugnay nito, maaa­ring hindi i-dismiss ng korte ang kasong rape na isinampa laban sa inyong kapatid sa bisa lamang ng Affidavit of Desistance ng complaining witness, kinakailangang may iba pang ebidensiya o pagpa­pa­tu­nay na walang base­han ang pagpapatuloy ng kaso, lalo na at mahigpit ang krimeng rape dahil hindi lamang ito nagdu­dulot ng pasakit sa tao, bagkus, ang lipunan din ang pinangangalagaan ng batas sa kasong ito.

Nawa ay nasagot na­min ang iyong katanu­ngan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalay­say sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

2 Comments


Gelli Rivero
Gelli Rivero
Aug 03, 2024

magandang gabi po, ang kapatid ko po ay idinemanda ng kanyang gf na 16 or 17yrs old nyang gf ngayon po yung kapatid ko is naka kulong na at nung unang hearing is hindi umaattend yung pamilya ng babae. ngaypon pong darating na sept 11 whuch is 2nd hearing na po ng kapatid ko. sa una po pa lang hearing ng kapatid ko ay inaskusahan sya ng not guilty. ask ko lang po sna after ng hearing ng kapatid ko kapag naka straight syang NOT GUILTY ano na po ba ang susunod? makakalaban po ba namin ang DSWD at mga POLICE? maraming salamat po

Like

nyrelrose1987
Feb 01, 2024

mgndang hapon po,,my anak po aq 16 y/o llaki,,taz my gf xa 17y/o,,ngaun po my ngyre s knila at nlaman ng magulang,,,,idinemanda po nila anak q kht ayaw po ng bbae,,,kz ngchat din po sakin un bata at s kaibigan nya n wag ng ituloy ang demanda kaso nga lng po inilaglag p rin nya anak ko at ngsalay n pinilit lng sya,,tanong ko lng po kng sakali po b mgpasa kmi ng kontra salaysay e pwd b nmin magamit n ebidensya un mga chat niya n ayaw nya ituloy ang demanda,,at convo nya s kaibigan nya,pti po convo nila ng anak ko,,n after n my ngyre e mgksama p rin sila at nag uusap??/mkkulong po kaya anak ko at…

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page