Search
  • ATD / Clyde Mariano

FUELS, TINIBAG ANG ROS SMB, INOLATS ANG PIER


KUMAPIT sa endgame ang Phoenix Fuel Master upang kalusin ang Rain or Shine Elasto Painters, 103-97 kagabi sa 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors Cup sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Kumana si import Eugene Phelps ng 18 markers, 20 rebounds at pitong assists upang tulungan ang Fuel Masters na ilista ang 7-3 karta at lumapit sa asam na top 4 pagkatapos ng elimination round.

Bumakas si Calvin Abueva ng 18 points at 12 rebounds para sa Fuel Masters. Kumana ang Phoenix sa first quarter, 27-21 pero nag-init ang opensa ng Rain or Shine sa second upang maagaw ang bentahe, 55-50 sa halftime. Nagtuloy ang pananagasa ng E-Painters sa third period kaya nahawakan nila ang 10-point lead, 84-74 papasok ng 4th.

Samantala, walang ibang nasa kukote ni Magnolia head coach Chito Victolero kundi manalo bukas kontra tigasing TNT KaTropa. Naniniwala si Victolero na sasampa ang Hotshots sa playoffs na bitbit ang twice-to-beat advantage kaya nais nilang makuha ang panalo para masolo ang top spot ng team standings. “Andun pa naman kami. At least ‘yung chance namin nasa kamay pa namin di ba?” saad ni Victolero. “Mas maganda yun kaysa aasa kami sa ibang teams.”

Tangan ang 7-2 karta, haharapin nila ang KaTropa, (4-5) sa 7 p.m. sa Ynares Center, Antipolo. Mabibiyayaan ng twice-to-beat incentive ang top four team pagkatapos ng 11-game elimination round. Tantya ni Victolero na manalo ng isa sa dalawang huling laro nila ay makakasampa sa top four. “I think makapanalo kami ng isa siguro, andun na kami sa Top Four,” ani Victolero.

Kakapitan ni Victolero ang kanyang pambatong point guard na si Paul Lee kasama sina Ian Sangalang at PJ Simon at import na si Romeo Travis.

Magsasalpukan sa unang laro ang NLEX at Alaska sa 4:30 p.m. Samantala sa ikalawang laro, tinalo ng San Miguel Beermen ang North Port Batang Pier sa iskor na 114-107. Bumida si Christian Standhardinger sa 21 puntos.

Samantala, magpapatalbugan ang mga kandidata ng JAMS Top Model 2018 sa Nob. 19 ng 6 p.m. sa Mall of Asia Arena makaraang bigyang kulay ng mga modelo ang laro sa PBA Governor’s Cup sa pagrampa sa harap ng die-hard basketball fans sa Cuneta Astrodome kamakailan “I’m very grateful to the support exrtended by PBA and Com. Marcial for giving us the opportunity to be part of this momentous affair,” sabi ni CEO/President Maricar Moina at Jojo Flores. Ang beauty presentation ay sinu­portahan. ng PBA, Rain or Shine, One Stop Soap at Trilodent Gold. Sa bawat category 1 - 3 ang magtsa-champion ay tatanggap ng P150, 000, runner up ay P100, 000 at ang 2nd ay P50,000.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.