Search
  • Green Lantern

BATANG KUTSERO

ILALARGA ang 3-year-old & Above Maiden Race ngayong araw sa Metro Turf sa Batangas sa Race 3 mag­babanatan ang pitong kalahok na may distansyang 1,200 meter. Kay Batang Kutsero, (1) ako lalagay pero isama rin natin si Amelia, (5).

May pitong karera ang pasisibatin, tatlo ang kur­sunada ko sa Race 1, ito’y sina Storm Shadow, (6), Leonora’s An­gel, (8) at Atila, (5). Ang pili ko naman sa Race 2 ay sina Batang Rosario, (4), Quincy, (3) at Alupay Star, (6).

Matibay na sa primera si Lockdown,(7) sa Race 4 pero kung gusto niyo pa ng isa ay idagdag niyo si Case Bell, (3).

Sa Race 5 kay Kingship, (7) at Haring Bastos, (6) ako habang sa Race 6 at penultimate race ay si Eagle Nest, (3) ako tataya, pili na lang sa forecast kina You Are The One, (5) at magkakuwadrang Cool Humie, (1) at Real Duo, (1A).

Mahirap sa Race 7, ang pili ko dito ay sina Red Cloud, (2), Show The Whip, (3) at Ranagant, (6).

Good Luck mga kasamang karerista sana gawin nating libangan ito, sigurado kahit hindi kayo tumama ay magiging masaya pa rin kayo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.