Basta TESDA graduate, trabaho mo, sigurado!

Mga ka-TESDA, sino ang makapagsasabi na puwedeng maging libre ang inyong mga kailangan para sa pag-aaral? Dito na tayo sa TESDA kung saan prayoridad natin ang makatulong sa kapwa upang mabigyan sila ng ginhawa at magandang kinabukasan. Sa TESDA, ang hiling natin ay umasenso ang buhay ninyo.
Tanong: Nakapag-enroll ako sa pribadong eskuwelahan na accredited ng TESDA, gayundin ay nagbabalak mag-enroll ang kapatid at pinsan ko kaya gusto kong malaman kung puwede rin bang maging libre ang TVET sa mga private technical institution? — Karol Rosales ng Cavite
Sagot
Mga ka-TESDA, hangad ng TESDA ang inyong pag-unlad, gayunman ang nasabing programa ay hindi pa bukas sa mga katuwang na private technical vocational institutes ngunit, hindi ninyo kailangan mag-alala dahil bubuksan na ito sa susunod na school year.
Tanong: Gusto kong malaman, noong wala pa ang UAQTEA, magkano ang karaniwang ibinabayad ng trainee sa state-run technical-vocational institutions o STVIs, libre ba ito noon? Nagdadalawang- isip kasi ako noon na kumuha ng programa dahil baka hindi ito kayanin ng aking kinikita. Pero, may nakapagsabi sa akin na ito raw ay libre kaya napag-isip-isp ko na mag-enroll na, gayunman, totoo ba ito? — Juan
Sagot
Mga ka-TESDA, noon pa man ay wala ng bayad ang State-Run Technical Vocational Institutions dahil pasok ito sa libreng training at kapag tayo ay iskolar ng TESDA. Nagkaroon lamang ng karagdagan ang kanilang mga benepisyo at mas naging tiyak ito nang maaprubahan ang UAQTEA.
Mga ka-TESDA, marami tayong mga programang ipinatutupad. Huwag kayong mag-alala kung slot ang inyong iniisip dahil ang mga kurso ng TESDA ay siguradong magugustuhan ninyo dahil ang lahat ng kurso ay may katiyakang trabaho. Tutulungan kayo mismo ng ahensiya upang makakuha ng mapapasukan. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mag-enroll na kayo sa TESDA upang ang buhay ninyo ay umasenso!





Comments