Search
  • BULGAR

Babu sa showbiz… ANNE AT ERWAN, GAGAWA NA NG BABY ABROAD

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

TINAPOS ni Anne Curtis ang kanyang mga showbiz commitments na natanggap, kaya puwede na siyang magbakasyon at ituloy ang naudlot nilang honeymoon ng kanyang mister na si Erwan Heussaff.

Next month ay lilipad sila pa-South Africa upang magkasama nang matagal-tagal. Pagkatapos kasi ng kasal nila ni Erwan ay hindi na sila nakapag-honeymoon dahil super hectic ang kanyang schedule noon.

Tinapos muna niya ang peliku­lang Sid & Aya na maganda ang naging resulta sa box office. Isinunod niya ang pelikulang Aurora na kinunan sa Ba­tanes. Nagawa rin niyang i-promote nang husto ang pelikulang Buy Bust na puno ng action. Sumasaglit din siya sa pagho-host ng It’s Showtime.

Sobra ang dedikasyon ni Anne Curtis sa kanyang trabaho bilang artista.

Hangga’t kaya niya ang isang bagay ay hindi niya basta sinusukuan. Pero, kailangan din naman na bigyan niya ng panahon ang sariling kaligayahan. Gusto rin niyang gampanan ang kanyang role bilang maybahay ni Erwan Heussaff.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.