Search
  • Jeff Tumbado / Maeng Santos

2 dedbol sa backhoe

DALAWA katao ang nasawi sa backhoe sa mag­kahiwalay na insidente sa Olongapo at Valenzuela.

Patay ang 37-anyos na obrero matapos itong maipit sa backhoe na ino-operate nito at tuluyang malunod sa ilog na pinagbubungkalan sa Olongapo City.

Kinilala ang nasawi na si Dioscoro Torano, ng kum­panyang Jamjle properties and development corpora­tion.

Naganap ang insidente, alas-9:45 ng umaga sa Bgy. Pag-asa, habang nagsasa­gawa ng pagbubungkal sa ilog ang biktima gamit ang backhoe.

Padako sana ang back­hoe sa kabilang bahagi ng ilog nang tumagilid ito sa ilog at naipit sa loob ng “ca­bin” ang biktima hanggang sa malunod na dahilan ng kanyang pagkasawi.

Samantala, dedo rin ang 23-anyos na construction worker na nagtatrabaho sa flood control project mata­pos tamaan ng naglokong bucket cylinder ng backhoe na nakalagay sa barge sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ka­tawan si Rustom dela Cruz, 23, ng Bgy. Camangyan, Sta Maria, Bulacan habang ang operator ng backhoe na nakilalang si Dariel Tima­rio, 21, ng Macabebe, Pam­panga ay mabilis na tuma­kas matapos ang insidente.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay, naganap ang insidente, alas-5:45 ng hapon sa flood control cons­truction site sa Riverside, Bgy. Pala­san.

Paakyat ang biktima sa kanilang itinatayong gusali sa tabi ng ilog nang masira ang hydraulic hose ng buc­ket cylinder ng backhoe na na­ka­lagay sa barge at mag­loko da­hilan upang dalawang be­ses tamaan sa kata­wan si Dela Cruz.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.