MAGALING SA GABI

MAY walong karera tayo ngayong araw ng Miyerkules sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, lima ay mga Condition Race habang tatlo ay mga Group Race.
Medyo nakalalamang si Ava’s Dream, (6) sa Race 1, kunin din natin si Batang Arrastre, (5) baka sumalikwat. Kay Wo Wo Duck, (1) tayo sa Race 2 magaling ito sa gabi, pamorkas natin si Ava Natalia, (8).
Angat sa Race 3 sina Rico Mambo, (7) at coupled entry Ok Mister Bond, (6) at Emergency Express, (6A) kaya pili tayo sa kanila, habang sina Vera Cruz, (8), Plug Ceremony, (7) at Humble Princess, (1) ang kursunada ko sa Race 4.
Sina Amazing Day, (4), Hail Storm, (1)Wessfacckol, (8) ang sa tingin ko na magdodomina dito sa Race 5.
Isa pang mahirap na karera sa Race 6, asintahin n’yo na lang mga pili ko mga kapwa ko karerista, kina One In A Billion, (10), Zapima, (2) at magkakuwadrang Nothing But Dtruth, (1) at Caloocan Zap, (1A).
Sa seventh at penultimate race, kina Angel Brulay, (3) at Show Off, (2) ako lalagay habang sa last race ay sina Reigning Jewel, (6), Battle Chacha, (4) at Love Affair, (10) ang pili ko.





Comments