Search
  • BULGAR

Legal na paraan para mawala ang kontrol ng tao sa isang bagay

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY

Dear Chief Acosta

Nais kong malaman kung ano ang legal na pamamaraan para mawalan ako ng possession sa mga bagay na aking pag-aari? — Donald

Dear Donald,

Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Artikulo 555 ng Civil Code of the Philippines ang sagot sa inyong katanungan:

“Article 555. A possessor may lose his possession:

(1) By the abandonment of the thing;

(2) By an assignment made to another either by onerous or gratuitous title;

(3) By the destruction or total loss of the thing, or because it goes out of commerce;

(4) By the possession of another, subject to the provisions of article 537, if the new possession has lasted longer than one year. But the real right of possession is not lost till after the lapse of ten years.”

Base sa nabanggit, nawawala ang possession sa legal na konsepto ng may-ari sa isang bagay kung 1.) Inabandona niya ang bagay; 2.) Naiassign niya ito sa ibang tao sa pamamagitan ng onerous o gratuitous title; 3.) Nasira o nawala ng buo ang nasabing bagay o nawala ito sa komersiyo; 4.) Possession ng ibang tao ng nasabing bagay, maliban kung ito ay maituturing na “acts merely tolerated, and those executed clandestinely and without the knowledge of the possessor of a thing, or by violence” sangayon sa Artikulo 537 ng parehong batas.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi naming dito. Maaaring maiba ang opinion kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.