Search
  • Janice Baricuatro

Karnaper, utas sa pulis

PATAY ang isang lalaki matapos umanong maki­pagbarilan sa pulisya nang si­tahin sa motorsiklong si­nasakyan na nauna nang na­paulat na ninakaw sa Das­ma­riñas City sa Cavite ka­hapon.

Sa ulat mula sa tangga­pan ni P/Supt. Nerwin Rico­hermoso, alas-2:30 ng ma­daling-araw nang maganap ang engkuwentro sa Bgy. Langkaan 2, matapos ma­katanggap ng tawag ang pulisya na may papatakas na mga suspek dala ang kinarnap na motorsiklo.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang grupo ni PC/Insp. Alan Reyes at namataan nila sa lugar ang isang MIO Yamaha Sporty, na may plakang NE20096 na nakarehistro kay Mico Cangcopan.

Nang sisitahin at haha­rangin ng mga pulis ay agad nagpaputok ang riding-in-tandem dahilan upang mag­kabarilan hanggang sa bu­mulagta ang angkas na hin­di pa nakikilala habang naka­takas naman ang kasa­ma nito na tumakbo lang kaya nai­wan ang motor­siklo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.