Search
  • BULGAR

Kahit orchids, cactus at aloe vera plants pa ‘yan, besh! MGA HALAMAN SA LOOB NG BAHAY, EPEKTIB PANLA

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

PLANTS lover ka ba, beshy? Good ‘yan dahil knows mo bang ang pagkaka­roon ng halaman sa loob ng bahay ay healthy daw para sa atin? Wow!

Ayon sa mga siyenti­piko, ang pagkakaroon ng halaman sa loob ng ba­hay ay nakatutulong sa atin upang mas maging sariwa ang nalalanghap nating hangin at hindi tayo mahirapang humi­nga.

Gayunman, natuk­la­san ng mga researcher na ang pagkakaroon ng ha­laman sa loob ng bahay ay maaaring maging sim­ple at affordable na para­an na makatutulong sa tao upang mawala ang kani­lang dry skin.

Dagdag pa rito, sa pag-aaral ng mga siyen­tipiko mula sa University of Reading and the Royal Horticultural Society, pi­nag-aralan nila ang iba’t ibang halaman kung saan natuklasan nila na ang orchids, cactus at aloe vera ay may malaking amount ng CO2 at tubig.

Ang mga halamang ganito na maraming tubig ay ang mga may napo-provide na mataas na humidity sa buhay ng tao.

Ang mataas na humi­dity sa hangin ay nanga­ngahulugan ng pagkaka­roon ng moisturized na balat.

Kaya naman, hindi lang umano ito de­co­ration sa bahay o opi­sina dahil may mas im­portante itong naga­gawa sa ating kalusugan kung saan nailathala ito sa Journal Air Quality, At­mosphere & Health.

Samantala, knows ba ninyong may naitutulong din ito sa kalusugan ng ating pag-iisip?

Sinabi ng mga dalubhasa na na­kare-relax, naka­wawala ng stress at fatigue ang presen­siya ng mga hala­man, kaya bonus kung maging sa loob ng bahay ay mayroon kayo nito.

Gayundin, napaka­kalma rin ng mga halaman ang ating mood lalo na kung bad mood, malung­kot o galit tayo.

Kaya ano pa ang hi­nihintay ninyo, maglagay na ng halaman sa loob ng bahay, para palaging healthy ang ating kalu­sugan.

Okie? He-he-he!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.