Search
  • BULGAR

DAQUIS, TUBINO AT MALALUAN, ABANGERS SA HD SPIKERS


ANG hebigat na Cignal squad ay muling babanat sa Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference na magsisimula sa Okt. 30 na idaraos sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Kinumpirma ni head coach Edgar Barroga na nakuha na nila ang serbisyo nina Royse Tubino, Lutgarda Malaluan at Roselyn Doria para sa pagsabak sa prestihiyosong women’s club league.

Si Tubino na dating parte ng Cignal squad na nakasungkit ng Invitational Conference title ng nakaraang taon ay magbabalik upang palakasin ang opensa habang sina Malaluan at Doria ay tutulong para sa depensa ng HD Spikers.

Bukod sa kanila, nariyan din si skipper Rachel Anne Daquis na magsisilbing mainstays, maging sina Janine Navarro, Rialen Sante, Jheck Dionela, Acy Masangkay, Cherry Vivas, Cindy Amutan, May Macatuno, Rap Aguilar at Shirley Salamagos.

Magbabalik din ang rising star na si Mylene Paat na kargado ng karanasan matapos ang tagumpay sa Philippine national team sa nagdaang 18th Asian Games at AVC Asian Women’s Cup sa nakaraang dalawang buwan.

“We like our chances this conference. All our needs were addressed both on offense and defense,” ayon kay Barroga na idinagdag na ang kanilang bagong recruits ay nasa proseso pa ng pag-aaral sa kanilang sistema.

Noong 2017, nagpasiklab ang HD Spikers sa bisa ng solido nilang roster na binubuo nina veterans Gonzaga, Daquis at Tubino, tatlong players na bumalikat sa tagumpay ng Philippine Army.

Ang Cignal, na nasa ilalim pa rin ni George Pascua ay tumapos sa bronze medal finish sa likod ng Petron at F2 Logistics na naging dramatiko ang finals showdown.

Sinabi ni Barroga na nais nilang tapatan o lampasan ang performance noong 2017. “We’re slowly completing the pieces. It’s now a matter of making them work together,” aniya, na haharap sa bigating bakbakan na isasaere ng ESPN5. “Our goal this year is to match or surpass what we’ve accomplished last year. I know it’s not going to be easy, but I’m confident that the girls will all work hard to get it.” (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.