Search
  • BULGAR

BAGONG CBA LEAGUE, HINDI LANG SPORTS, PANG-ENTERTAINMENT PA


HINDI lang pang-sports, pang entertainment pa.

Ito ang mga panguna­hing sangkap ng bagong tatag na Community Bas­ketball As­sociation (CBA), na na­ka­tak­dang simulan sa susunod na buwan.

Ipinahayag ni Carlo Ma­ceda, ang dating ac­tor-model at ngayon ay pangunahing tagapagta­guyod ng CBA, na ang nasabing liga ay magi­ging tugon sa mga ordinar­yong mamamayan sa ba­wat ba­ran­gay na nanga­nga­rap na maglaro ng basketball.

Idinagdag pa ni Ma­ceda na inanyayahan na niya si PBA legend Pido Jarencio upang magsil­bing Commis­sioner.

“Ang CBA ay liga para sa lahat. Ito ang ma­giging sagot sa panga­rap ng bawat Pilipino na makalaro ng bas­ket­ball,” pahayag pa ni Ma­ceda sa media launch sa Icon Hotel sa Timog Ave., Que­zon City.

Si Maceda, na dating naging basketball player bago sumabak sa show­business noong dekada 90 ay nani­ni­wala na ang CBA ay magi­ging magan­dang karagdagan sa patu­loy na dumaraming liga sa bansa.

“We all love basket­ball. Bawat Pilipino na nakaka­usap ko ay ma­hal ang bas­ketball. Ka­hit saang baran­gay, ka­hit saang siyudad, kahit saang probinsiya, may basketball,” dagdag pa ni Maceda, na nagpa-plano ring kumuha ng iba pang mga eksperto na makakatuwang niya sa pagpapatakbo ng CBA.

“This is where the CBA comes in. We would like to give everybody the chance to play basket­ball in a diffe­rent setting and different at­mos­phere,” sabi pa ni Ma­ceda.

Pero hindi lamang basket­ball ang CBA, ayon pa kay Maceda.

“Sa CBA, hindi la­mang basketball ang ila­apit natin sa mas naka­ra­raming tao. Gagawin din natin itong isang ma­­laking fiesta sa bawat siyudad or barangay na nagsisilbing host ng ating mga laro.”

“Magkakaroon din tayo ng live entertain­ment para sa mga mano­nood, gaya ng “Battle of the Bands”, con­certs, singing at dancing con­tests at iba pang mga inter-active games na may kaukulang premyo.

Pero siyempre basketball ang ating tampok na ak­tibidad.”

Magiging dagdag atrak­­siyon din sa teams at ka­ni­lang mga tagapagta­gu­yod ay gagawing live­strea­ming sa Facebook pati na ang cove­rage sa IBC 13 sa tatlong su­nod na gabi bawat Linggo. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.