Search
  • BULGAR

Babala sa mga mahilig mag-ober da bakod | Balimbing na pulitiko, parurusahan!

RYAN B. SISON / BOSES

NALALAPIT na ang 2019 elections, pero ang ilang botante, tila hindi pa rin nakapagdedesisyon kung sino ang ibo­boto sa darating na eleksiyon.

Ito ay dahil sa mga kandidato na kung kani-kanino pumapartido kaya hindi na natin alam kung karapat-dapat pa bang iboto.

Kaya umaasa si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chair­man Sherwin Tugna na susuportahan ng pamahalaan ang Anti-Political Butterfly Bill o ang panukalang-batas na naglala­yong magpataw ng parusa laban sa mga balimbing na pulitiko.

Aniya, nais niyang maaprubahan ito upang masakop pa nito ang paparating na 2019 elections.

Gayunman, kung sakaling makalu­lusot ito sa Kamara, malaki ang magi­ging epekto nito sa mga kongresista na may tatlong taong termino na, gayundin sa mga local government official dahil sa ilalim ng proposed measure nito ay hindi na maaaring magpalipat-lipat ng partido ang nakaupong opisyal isang taon bago at matapos ang eleksiyon.

Gayundin, ang batas na ito ay ma­katutulong sa pulitiko na makapag-isip ng maayos hingil sa prinsipyo at ideo­lohiya na ipinamamalas ng sasamahang partido at hindi lamang dahil sa malakas ito at nais niyang manalo.

Kaya kung may maganda itong ma­itutulong sa ating bansa, bakit pa natin patatagaling aprubahan?

Kaya ang panawagan natin sa pama­halaan ay pag-aralan na ito nang sa gayun ay makatulong ito kahit papaano sa pagpapagaan ng darating na halalan.

Samantala, roon tayo sa kandidatong likas ng tapat at may paninindigan, hindi ‘yung magaling lang kapag ma­lakas ang sinamahang partido habang mahina ang kalaban.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.