Search
  • BULGAR

Babala sa madalas nagdurugo ang gilagid!

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane

Bakit kaya sa tuwing magsesepilyo ako ay nagdurugo ang aking gilagid, lalo na sa harapan sa ibabang ngipin, gayundin napansin ko na mamula-mula at maga ang aking gilagid ngunit, wala akong sirang ngipin? Saan kaya nanggagaling ang pagdurugo? Sinubukan ko nang magmumog ng tubig na may asin, subalit, ganu’n pa rin. — Tony P.

Sagot

Ang tawag sa pamamaga ng gilagid ay gingivitis. Ang sintomas nito ay ang pananakit at pagdurugo ng gilagid kung saan mapapansin ang pagdurugo ng gilagid habang nagsesepilyo at bacteria ang pangkaraniwang dahilan nito. Ang bakteryang ito ay namumuo sa ngipin at tinatawag na plaque.

Ang matigas na parang sementong nakakapit sa mga ngipin ay tinatawag na tartar o calcular deposits at kapag ang plaque ay hindi naalis sa pamamagitan ng pagtu-toothbrush, dudurugin nito ang sugar at starch sa pagkain kaya makapagpo-produce ito ng acids kung saan ito ang sisira sa enamel.

Karamihan sa ngipin ay nasisira hindi dahil sa pagkabulok kundi sa sakit sa gilagid. Ang regular na pagsesepilyo at paggamit ng floss ay makatutulong para hindi mamaga ang gilagid.

Kapag dumugo ang ngipin habang nagsese­pilyo, nagkakaroon na ng gradual build-up ng plaque. Ang pagdurugo ng gilagid ay palatandaan din ng kakulangan sa Vitamin C. Kapag hindi naagapan ang gingivitis, posibleng mauuwi ito sa periodontitis kaya kusang umuuga ang mga ngipin.

Ipinapayo natin ang pagbisita sa dentista upang makita ang kundisyon ng iyong gilagid at mga ngipin. Gayundin, kailangan nating magpa-cleaning (oral prophylaxis) tuwing ika 6 na buwan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.