Search
  • Jeff Tumbado

After maglinis ng nitso, nag-picnic | 2 YRS. OLD NALUNOD SA ILOG, DEDO

PATAY ang dalawang taong gulang na lalaki ma­tapos mahulog at malunod sa ilog habang nasa kala­gitnaan ng outing sa Quezon, Nueva Vizcaya.

Wala ng buhay na nare­kober ang biktima na si Al­vin Guillermo, matapos ang ilang sandaling paghahanap sa kanya ng mga kaanak.

Napag-alaman kay Po­lice Chief Insp. Larry Pin­kihan, galing umano ang Pa­milya Guillermo sa Tarlac City para maglinis ng nitso ng kanilang namayapang ka­anak kaugnay sa pagha­handa sa Undas.

Matapos umanong mag­linis ng nitso, nagtungo ang pamilya sa gilid ng ilog para mag-picnic muna bago bu­miyahe pabalik ng Tarlac City.

Gayunman, walang na­kapansin sa pamilya na ang bata ay naglakad-lakad na at naglaro sa gilid ng ilog hang­gang sa ito ay mahulog at malunod.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.