Search
  • BULGAR

Parking attendants, buking sa panghihingi ng tongpats

JUN R. GUILLERMO / MODUS OPERANDI PINOY ISTAYL

NAKATANGGAP tayo ng liham-reklamo mula sa nag-iiyakang mga negosyante sa paligid ng bahay ni Kuya kung saan ginawa na raw palabigasan ng tatlong buwitreng itago natin sa mga alyas na Patay, este, Patio; may gel sa buhok, este, Rygel at ka Dehins makakita, este, Bulag.

Reklamo ng mga apektadong negosyante na ultimo harapan ng kanilang puwesto tulad ng tindahan, bar, coffee shop at iba pa ay hindi na nila mapakinabangan kapag walang ‘padulas’ sa tatlong bugok na itlog na ito na animo mga pulis kung manita at pumorma.

Dagdag pang reklamo, nagkalat umano ang sandamakmak na parking attendants sa paligid ng bahay ni Kuya kaya kapag may paparada ay maliwanag pa sa sikat ng araw na P50 agad ang singil sa biktima kung saan papel na print out lamang ang ibinibigay at P20 lang ang nakalagay dito, pwe!

Ayon sa sumbong, ang P20 daw ay para kuno sa kaban ng lungsod, samantalang, ang P30 ay para sa tatlong bugok na itlog, in short, pasok sila sa raket na perhuwisyong parking-an sa paligid ng bahay ni Kuya. Alam kaya ito ni Kuya o may basbas niya ang katarantaduhan ng mga salot na ito na namama­yagpag at kaliwa’t kanang humaharabas sa pango­ngolekta ng tongpats sa lungsod ni Kuya? Pwe ulit!

Gayundin, ayon sa dagdag na impormasyon, may nakalubog daw na money, oscar at atik, este, Memorandum of Agreement o MOA sa parking na ang bayad daw ay P500 kada araw.

Ito raw ay exclusive sa mga biktima na nagbigay na ng P500 para walang ibang sasakyan pa ang puwedeng pumarada sa parking slot na mayroon nang MOA kuno, in short, pasok sa tarya! Isa uling pwe!

Alam kaya ng may-ari ng bahay ang napakalaking kahihiyang ginagawa sa mga negosyante ng mga ganid na buwitre sa pangongolekta ng tongpats sa lungsod sa paligid ng bahay ni Kuya? Dagdag pang pwe!

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko.

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.