Search
  • BULGAR

Mga komunista, malayang makauupo sa gobyerno, period!

KA AMBO / BISTADO

MINASAKER ang siyam na sakadas sa Negros.

Nanangkupo!

◘◘◘

NAGTUTURUAN ang Bureau of Customs chief at PDEA boss sa P16 bilyong shabu.

Pwes, sabay silang magbitiw!

◘◘◘

KAPAG sinabing drug traffickers, kontrolado niya ang lahat ng sektor.

Sentido-komon lang ‘yan!

◘◘◘

AMINADO ang experts na hindi mareresolba ng alinmang bansa ang illegal drugs.

Ngayon, na-realized na ‘yan ni P-Digong.

◘◘◘

DAPAT, higpitan ang koleksiyon sa Bureau of Customs.

Ang Canada ay nagtagumpay para mawala ang illegal drugs.

Ang solusyon?

Ginawa nilang “legal”!

◘◘◘

KAPAG ginawang “legal” ang droga tulad sa “regulated drugs”, magaang na maimo-monitor kung sinu-sino ang gumagamit at ang nagbebenta.

Hindi lang ‘yan, magkakamal ang gobyerno ng bilyun-bilyong pisong buwis!

◘◘◘

SA ngayon, ang P16 bilyong shabu ay ikinalat sa merkado.

Tiyak na magtotongpats ang mga ‘yan sa mga papalag.

Ganu’n ang modus!

◘◘◘

GANYAN din sa illegal gambling.

Hindi rin mareresolba ‘yan!

◘◘◘

PARA maresolba ang illegal gambling, ito ay dapat gawing legal.

‘Yan ang pinakamalaking tama!

◘◘◘

GANYAN mismo ang ginawa ng mga gobyerno sa communist movement.

Isinaligal sa Europe ang communist movement.

Isinali sa eleksiyon ang mga komunista.

◘◘◘

MAY mga pagkakataon na nagwagi sa national election ang mga communist leader at nakokontrol ang buong gobyerno, military at parlamento.

Iisa rin kasi ang mithiin ng komunismo sa ikauunlad at ikabubuti ng lahat!

◘◘◘

HINDI bawal sa Konstitusyon ang komunismo, ang bawal ay ang paraan ng madugong pag-agaw sa gobyerno.

Pero kung sasali sa eleksiyon ang mga komunista, malaya silang makapagkakampanya at mauupo sa gobyerno.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.