top of page

Kapaskuhan ang pinakamahalagang bonding ng pamilya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2018
  • 2 min read

PAPALAPIT na ang kapaskuhan at alam natin kung gaano ka-excited tayong mga Pilipino sa okasyong ito, lalung-lalo na ang kabataang umaasa sa Masaya at masaganang pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus.

Aminin natin na this happy season is also a stressful one for us, mothers. Totoong mahirap magplano ng bagong gimmick every year para sa pamilya but of course, because of our overflowing love for them, we do it year after year, anyway.

Ganyan ang pagiging ilaw ng tahanan, walang pagsidlan ng liwanag ng ating efforts upang maalagaan ang ating pamilya at maipadama sa kanila ang ating pagmamahal.

Siyempre, hindi mawawala ang worry natin sa taun-taong pagpaplano para sa panahong pinakahihintay, lalo na ng mga bata. Sadyang mahalaga that we keep the Christmas spirit alive in our children for as much as possible, ‘yun bang paniniwala sa magic, Santa Claus and just the overwhelming feeling that everything will be okay come Christmas Day.

Ngunit, kung tatanungin natin ang ating mga anak kung ano ang nadarama nila, siyempre, ito ang paghahangad sa buong pamilyang nagsasalu- salo sa Pasko — anumang estado natin sa buhay, magarbo man ang handa o hindi ay mahalaga sa kanila. Minsan kasi, we try to compensate para sa ating kawalan ng oras sa kanila sa pamamagitan ng mga magagandang regalo na madalas ay nawawalan na tayo ng panahon to really get to know them and spend time with them.

Sigurado tayo na mahalaga sa paglaki ng mga bata ang makasama ang kanilang mga magulang at mag-form ng matatag na bonding sa kanila.

Kaya nakalulungkot para sa atin ang makakita ng mga pamilyang hindi buo tuwing may ganitong okasyon, lalo at sadyang mina-market ang Christmas sa mga pamilya.

Mahalaga ang bonding ng pamilya sa inyong mga anak kaya sana, tutukan natin ito ngayong darating na holidays.

Iparamdam natin sa ating pamilya ang tunay na diwa ng Pasko: Ang pagmamahalan at pagiging mapagbigay sa ating mga anak, pamilya at kapwa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page