Kahit buntis, 'pinatulan'… UGALI NI ROCHELLE, 'DI NA MATIIS NG MISTER


EXCITED na si Rochelle Pangilinan sa first baby nila ni Arthur Solinap na kanyang ipinagbubuntis ngayon. Five months na ang kanyang dinadala at medyo lumalaki na nga.
‘Kaaliw nga ang kuwento ni Rochelle tungkol sa paglilihi niya. Napaglilihian niya si Art na ayaw na ayaw niya raw makita that time at talagang lagi niyang sinusungitan.
Kaya naman ang kawawang Art, tinitiis daw lahat ng pagsusungit hanggang sa minsan ay nag-emote na raw ito sa kanya.
“Dumating na sa point si Art na ‘Ano ba’ng ginagawa ko? Lahat naman, ginawa ko sa ‘yo.’ Nagdrama na siya. ‘Ginagawa ko lahat para maging good husband sa ‘yo.’ May ganu’n na siya,” kuwento ni Rochelle.
Pero dahil tapos na siyang maglihi ngayon, hindi na raw siya masungit sa asawa at ang guwapu-guwapo na naman daw nito sa paningin niya.
Kahit medyo lumalaki na ang tiyan ni Rochelle ay patuloy pa rin siyang napapanood sa Onanay at hangga’t kaya raw niya ay magwo-work pa rin siya.
Wala naman daw magiging problema sa karakter niya sa serye kahit lumaki pa ang tiyan niya dahil sa story ay pinalabas ding nag-asawa na siya at preggy na rin. Nag-cameo raw si Art na gumanap bilang mister niya.
Hindi naman daw siya binabawalan ni Art na magtrabaho dahil alam nitong nag-i-enjoy siya sa kanyang ginagawa.





Comments