Search
  • BULGAR

Increase sa sahod, i-push pa natin, ganern!

IMEE R. MARCOS / BUKING!

MAYROONG dapat abangan ang ating mga kababayang minimum wage earner.

Ito ay kung papayag ang Regional Wage Board sa ipinipetisyong dagdag na sahod para sa mga manggagawa.

Nitong mga nakaraang linggo ay sinasabing P20 daw ang ibibigay, samantalang, ang hinihiling ng labor group ay P320.

Paanong hindi sila hihingi ng ganito kataas na dagdag-sahod kung patuloy ang pagtaas-presyo ng mga bilihin at kung tutuusin ay wala nang power ang kasalukuyang suweldo na P512? True to tell, ano ang saysay ng suweldo, lalo at magiging P10 na ang pamasahe sa jeep, gayundin ang dagdag na piso sa pamasahe sa bus?

Jusko, Lord! Magkano na lang ang maiuuwi natin sa ating pamilya?

Paano na ‘yung mga bayaring utang at gastusin tulad ng buwanang bayad sa bahay, kuryente at tubig dagdag pa natin ang baon ng mga bata? Paano kung may magkasakit pa (na huwag naman sana), eh, di, lahat tayo ay nganga?

Sana, matimbang nang mabuti ng Regional Wage Board ang mga hinaing ng mga manggagawa.

Sa totoo lang, hindi rin madali ang trabaho ng board, lalo na kung magiging objective ito sa kanyang gagawing deliberasyon at desisyon. Gayunman, sana ay makahanap ito ng paraan para maibsan ang hirap na pinapasan ng mga manggagawa. Hindi siguro patas ang P20 na dagdag-sahod kung ang pagbabatayan ay ang napakataas na presyo ng mga bilihin. Sana ay huwag kakarampot at tila limos lang ang ibigay ng Regional Wage Board.

Kung tutuusin, tila walang increase na mangyayari, lalo na kung P20 lang ang ibibigay. Mangungutang pa rin tayo para maitawid ang gastusin ng pamilya kaya sana ay magawan ito ng paraan dahil olats na ang ating workers!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.