Search
  • BULGAR

Gustong malaman kung bakit ayaw tanggapin ang ipinambayad na P500 na tigpipiso

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY

Dear Chief Acosta,

Mayroon akong naipon na baryang tigpipiso (P1) sa aking alkansiya na mahigit limandaan (P500). Gagamitin ko sana ito na pambili ng t-shirt ngunit, hindi ito tinanggap ng tindahan dahil hindi raw sila tumatanggap ng barya, lalo na kapag ito ay malaking halaga. Tama ba ang ginawa ng tindahan na hindi tanggapin ang ibinayad kong barya?—Khate

Dear Khate,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 57 ng Republic Act (R.A.) No. 7653 o mas kilala bilang “The New Central Bank Act” kung saan nakasaad na:

“SEC. 52. Legal Tender Power. All notes and coins issued by the Bangko Sentral shall be fully guaranteed by the Government of the Republic of the Philippines and shall be legal tender in the Philippines for all debts, both public and private: Provided however, that, unless otherwise fixed by the Monetary Board, coins shall be legal tender in amounts not exceeding fifty pesos (P50) for denominations of twenty-five centavos and above, and in amounts not exceeding twenty pesos (P20) for denominations of ten centavos or less.” (Binigyangdiin)

Kaugnay nito, upang mabigyan ng halaga ang inyong mga barya, maaari lamang ninyong gamitin ito kung ito ay hindi hihigit sa limampung pisong (P50) halaga kapag ang denomination ng barya ay dalawampu’t limang sentimos (25¢) o mahigit. Kapag ang denomination ng barya ay sampung sentimos (10¢) o kulang sa sampung sentimos (10¢), maaari ninyo itong magamit kapag ang halaga ay hindi hihigit ng dalawampung piso (P20). Dahil ang inyong barya ay tigpipiso, maaari lamang ninyo itong gamitin na pambayad kung ito ay hindi hihigit sa limampung piso (P50).

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi naming dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.