Search
  • BULGAR

EARTH RUN, TAKBO PARA SA KALIKASAN SA NOBYEMBRE


ANG ikaapat at huling yugto ng seryeng Takbo PARa sa Kalikasan – ang Earth Run ay gaganapin ngayong Nob. 18 sa Li­wasang Ulalim ng Cultural Center of the Philippines.

Matapos ang unang tatlong yugto kung saan na­sukat at nahamon ang ka­kayahan ng higit 8,000 ma­nanakbo, ito na ang pag­ka­kataon na makasama ang buong pamilya upang lalong mapalaganap ang adbo­kasiya ng pag-aalaga at pag­mamahal sa Inang Kali­kasan.

Maaaring tumakbo ng 5 o 3 km. at maghandang gu­mulong, lumukso at tumalon sa mga itinayong obstacles sa ruta.

Pareho lang ang bayad na P650.00 para sa kahit anong distansiya at may ka­sama itong singlet at nu­mero at may igagawad na medalya oras na tumawid sa finish line.

Ang medalya ay maa­aring gamitin para ikabit ang tatlong medalya buhat sa unang tatlong yugto – Fire Run, Water Run at Air Run – upang makabuo ng isang malaking medalya.

May naghihintay din na sorpresang dagdag regalo para sa lahat ng tatakbo sa apat na karera.

Sa mga nais sumali, puwede ring magpalista sa website ng Pinoy Aspiring Runners, ang www.par.com.ph. (A. Servinio)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.