Search
  • MC/Alvin Olivar

DAVAO COCOLIFE TIGERS SINAKMAL  ANG MANDALUYONG EL TIGRE SA MPBL


PINATUNAYAN ng Davao Cocolife Tigers na mas mabagsik sila kontra kalabang Mandaluyong El Tigre lalo na sa teritoryo ng una ang laban upang ipalasap ang 86-63 panalo sa Vis Min Invasion ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup kamakalawa sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.

Agad na kinontrol ng host team ni Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU, ang bakbakan sa unang hati pa lang kung saan ay ipinoste ng Mindanao squad ang tiyempong 43-32 sa halftime score.

Naging mabalasik ang Tigers sa ikatlong yugto sa pagtutulungan nina PBA veterans Mark Yee, Leo Najorda, Bonbon Custodio, Ilonggo superstar Billy Robles, best player na si Emman Calo at tinampukan pa ng humahaginit ng tres ng homegrown star cager na si Leo Paler, I:46 upang makalamang sa 23 sa pagtatapos ng penultimate quarter at mula roon ay ‘di na lumingon pa ang Tigers sa ika-7 sunod na panalo at mahablot ang liderato sa team standings 9-3 sa South Division ng ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.

Ang Mandaluyong El Tigre na naglaro minus Ray Parks na may injury ay pinanindigan nina Jeff Javillonar, Jayvee Caoilan at Xian Lim para sa kanilang losing effort ay sumadsad sa 7th place sa North Division mula sa impresibong segunda puwesto sa kaagahan ng Datu Cup dahil sa 4-game losing skid nito. “Our veterans guided us at pinatibay ito ng motibasyon nina coach na ‘di patatalo sa sariling teritoryo,” wika ni Calo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.