top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

After ng rehabilitasyon sa Boracay: El Nido, Palawan, next!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2018
2 min read

ILANG araw na lang at ganap nang bubuksang muli ang Boracay Island, pero mukhang matapos ang rehabilitasyon dito ay isusunod naman ang El Nido, Palawan.

Dahil ito sa environmental issues na kinahaharap ng isla hinggil sa dami ng basura at easement sa naturang tourist destination.

Kaya nanawagan ang Department of Tourism (DoT) sa lokal na pamahalaan ng El Nido, Palawan na solusyunan agad ang problema nang sa gayun ay hindi na lumala pa.

Gayunman, sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na kinuha na niya ang atensiyon ng El Nido local government kung saan gumawa siya ng sulat matapos niyang malaman ang problemang kinahaharap ng naturang isla, pero hindi pa siya nakatatanggap ng sagot dito.

Samantala, hindi ba nakalulungkot dahil kahit na dapat ay may natutunan na tayo sa pangangalaga ng kalikasan, tila ang iba ay wala pa ring pakialam?

Kung saan sa oras na may dumating na kalamidad ay saka lang tayo kikilos at gagawa ng paraan.

Gayundin, kung may mga polisiya mang ipinatutupad, mawawalan ito ng silbi kung walang disiplina ang karamihan.

‘Ika nga ng iba kung mayroong magandang disiplina ang mamamayan, siguro ay walang masyadong problema ang bayan.

Huwag sana nating pabayaan ang mga yaman na ibinigay sa ating bansa, aanhin natin ang malaparaisong hitsura sa litrato kung sa pagpunta mo rito ay puro basura ang makikita mo?

Kaya ang panawagan natin sa gobyerno, ituloy natin ang pagpapaganda sa mga lugar na napabayaan na, gayundin sa mga opisyal na nangangalaga sa El Nido, kumilos para maagapan ang suliranin!

At palagi nating tatandaan na kung ano ang ginagawa natin sa ating kapaligiran, gayundin ang balik nito sa ating kalikasan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page