Search
  • Clyde Mariano

WOMEN’S MARTIAL ARTISTS, TAMPOK SA SPORTS U.N. DAY


MULING aagaw nang pansin ang mga babaeng martial arts practitioners sa dalawang araw na Women in Sports Martial Arts na a­arangkada sa Okt. 24 kasa­bay sa pagdiriwang ng Uni­ted Nations Day sa Harrison Plaza.

Mga babaeng martial arts experts galing sa iba’t-ibang martial arts clubs ang mag­tatagisan ng galing sa wa­long combat sports at lahat ay naghahangad na sundan ang mga yapak nina Brazil Olym­pian Kirstie Elaine Alora, Asian Indoor Games at Martial Arts gold medalists Annie Ramirez at Margaret Ochoa at SEA Games gold medalist Pauline Lopez.

Ang sports na paglala­banan ay arnis, fencing, judo, karatedo, muaythai, pencak silat, taekwondo at wrestling sa dalawang araw na com­petition na tatawaging “Wo­men Empowerment” na ini­lunsad ng Philippine Sports Commission ni Chairman William Ramirez at pinanga­siwaan ni chairperson Com­missioner Celia Kiram.

Sa unang pagkakataon hindi kasama ang boxing at wushu dahil kaunti ang kala­hok. Inaasahang magsasalita si Ramirez sa opening ce­remony at hahamunin ang mga kalahok na ipakita ang aking angkin galing sa martial arts.

Ang torneo ay inilunsad ng PSC para bigyan ang wo­men athletes ng tsansa na ma­ipakita ang galing sa mar­tial arts at makasama sa mga international competitions tulad ng SEA Games, Asian Games, Olympic Games at iba pang highly competitive events.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.