- BULGAR
Pagpo-promote kung 'di raw hinaluan ng politika, Aga-Bea movie mas bebenta? Hmmm...
PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN
SA PELIKULA NINA AGA AT BEA, NAG-BOOMERANG ANG BANAT NILA KAY SEN. TRILLANES —Hindi nagustuhan ng publiko ang banat nina Aga Muhlach at Bea Alonzo kay Sen. Antonio Trillanes IV, na lubayan na raw nito ang kababatikos kay P-Duterte, dahil diyan ay ibinoykot ng mayoryang moviegoers ang pelikula nilang “First Love” kaya semplang ang inabot nito sa takilya nang maka-P6.3 milyon lang ito sa first day showing.
Hindi ba naisip nina Aga at Bea na marami rin sumusuporta sa mga pambabatikos ni Sen. Trillanes sa EJK, taas-presyo ng mga bilihin at korupsiyon ng Duterte gov’t. kaya makaaapekto sa kanilang pelikula ang banat nila sa senador?
Kung hindi hinaluan nina Aga at Bea ng pamomolitika ang pagpo-promote sa kanilang pelikula ay baka naging kasing-hit ito ng “Exes Baggage” nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban na sa first day ay tumabo ng higit P21.6 milyon, boom!
◘◘◘
HINDI KAYA NAPAARAY SI ELIZABETH NANG SABIHIN NI P-DUTERTE NA SI HONEYLET ANG KANYANG TRUE LOVE? —Ang sabi ni P-Duterte ay si Honeylet Avanceña raw ang kanyang true love.
Naku, hindi kaya “napaaray” si Elizabeth Zimmerman sa sinabing ‘yan ng kanyang ex-husband.
Mantakin ninyo, nakatatlong anak (Pulong, Sara at Baste) si P-Duterte kay Elizabeth, tapos lumalabas na kaya siya hiniwalayan ay dahil ang true love ng pangulo ay si Honeylet, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO, BARYA—Nag-rollback ng P2 sa gasolina at 90 sentimos sa diesel ang mga oil company.
Tingnan ninyo kaswitik ng mga kumpanyang ito kasi isipin ninyo sa siyam na beses na pagtataas nila ng mga produktong petrolyo na umabot sa P5 ang itinaas sa gasolina at P5 din sa diesel, eh, ngayong bumagsak na ang presyo ng langis sa international market ay P2 sa gasolina at 90 sentimos lang sa diesel ang ini-rollback.
Laging bigtime kung magtaas sila ng presyo ng mga produktong petrolyo, tapos kapag nag-rollback, barya lang, buwisit!
◘◘◘
SI ‘MONMON’ DAW ANG NAGBIGAY NG GO-SIGNAL KAY ARIZA NA MAGPA-LOTTENG SA CAMANAVA—Isang “Monmon” daw ang nagbigay ng permiso sa gambling lord na si “Ariza” na mag-operate ng lotteng sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela).
Paging NPD Director Gregorio Noto Lim, paki-”tokhang” sina “Monmon” at “Ariza” kasi ang dalawang ito ang nagsasabwatan para magpakalat ng illegal gambling sa jurisdiction mo, plis!