top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

OFWs may TESDA help desks na maaasahan sa airports!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2018
  • 1 min read

Mga ka-TESDA, sa lahat ng pagkakataon ay mayroong paraan ang TESDA upang masubaybayan kayo at makapag-abot ng tulong sa inyo. Huwag kayong mag-alinlangan na humingi ng tulong sa ahensiya.

Tanong: Magandang araw! Nais kong malaman kung nakatulong ang TESDA sa OFWs mula nang mabuo ang TESDA OFWs Desk o TOD sa international airports?

Sagot

Mga ka-TESDA, may total na 1,478 OFWs ang natulungan ng ahensiya kung saan 332 rito ay mula sa Middle East—kabuuang bilang 1,377 ang nakalap mula sa NAIA 1 at 3, samantalang, 101 sa Mactan Cebu International Airport (MCIA). Gayunman, wala pang natatanggap na report ang TESDA mula sa Davao-Francisco Bangoy International Airport (DFBIA) at Clark International Airport (CIA).

Tanong: Magandang araw! Gusto kong malaman kung anu-anong mga kurso ang kadalasang ini-enroll ng mga nagbabalik na OFW? Kailangan ko kasi ang datos sa isinusulat kong report para sa esku­welahan.

Sagot

Mga ka-TESDA, mayroon tayong ‘top five’ skills training preferences na kinukuha ng ating OFWs. Ito ay mula sa sector ng Tourism, General Infrastructure, Land Transportation, Metals and Engineering at Information and Communication Technology. Ang iba ay Automotive, Health Care Services, Heating, Ventilation, Air-conditioning and Refrigeration (HVAC), Language and Culture, Processed Food and Beverages at Semi-Conductor and Electronics.

Mga ka-TESDA na OFWs, kung may tanong kayo ay tandaan na mayroon help desk ang TESDA sa airports kaya kung kayo ay may katanungan ay lumapit lamang kayo sa nasabing mga help desk, lalo na kung ito ay tungkol sa inyong mga mahal sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page