Negosyante niratrat, utas
DEDO ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Valenzuela City, kahapon nang madaling-araw.
Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Gary Parcon, 46, ng Bgy. Gen T. De Leon.
Sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:00 ng madaling-araw, nagtatadtad ng karne ng baboy na kanyang negosyo ang biktima sa puwesto nito sa De Asis Homeowners Association nang lapitan ng hindi kilalang suspek at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo at dibdib.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at maaresto habang inaalam pa ang motibo sa insidente.





Comments