Magnitude 5.4 sa Davao Occidental


TUMAMA ang Magnitude 5.4 na lindol sa Davao Occidental nitong Linggo ng madaling-araw.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 185 kilometers southeast ng Sarangani.
Niyanig ang naturang lugar, bandang alas-2:51 ng madaling-araw kung saan may lalim itong 47 kilometers at tectonic ang origin.
Samantala, walang napaulat na nasira sa mga ari-arian sa nasabing lugar.
Inaasahan naman ang posibleng aftershocks matapos ang pagyanig. (BRT)





Comments