Kung labag sa batas ang pagmomotorsiklo nang nakapaa

Dear Chief Acosta,
Mayroon akong nakitang rider ng motorsiklo na nakapaa lamang habang minamaneho ang kanyang motorsiklo sa highway, maaari ba itong gawin? —Estefan
Dear Estefan,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section XI, paragraph (e) ng Land Transportation Office-Administrative Order No. AHS-2008-015 o mas kilala bilang “Rules and Regulations for the Use and Operation of Motorcycles on Highways” kung saan nakasaad na:
“XI. Penal and other Provisions. The following fines/penalties shall be imposed against those who violated these Rules and Regulations.
x x x
e.) For wearing of flip flops, sandals or slippers or being bare footed while operating motorcycles or scooter on a road or highway a fine of five hundred pesos (P500) for the first offense, seven hundred pesos (P700) for the second offense and a fine of one thousand pesos (P1,000) and revocation of drivers license for the third offense.” [Binigyang-diin.]
Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ipinagbabawal ang pagmamaneho ng motorsiklo ng nakapaa lamang at maging kahit na nakatsinelas. Ang paglabag sa nasabing probisyon ay pinapatawan ng kaukulang multa na nagkakahalaga ng limandaang piso (P500) sa unang paglabag, pitongdaang piso (P700) sa ikalawang paglabag at isang libong piso (P1,000) at pagbawi ng lisensiya sa ikatlong paglabag.
Nawa ay nasagot namin ang iyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments