Search
  • Nitz Miralles

Janine, ano ‘to… KRIS, UMAMING MATAGAL NA NIYANG GUSTO SI RAYVER

NAALIW kami sa kuwento ng nakausap namin na kiki­ligin na raw sana siya sa ina­min ni Kris Bernal na matagal na siyang may crush kay Ray­ver Cruz at excited na siyang mapanood ang dalawa sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Asawa Ko, Karibal Ko.

Naalis daw bigla ang kilig niya nang maalalang sa press­con ng Impostora, inamin din ni Kris na crush niya si Rafael Rosell na gumanap na asawa ng isa sa dalawa niyang karakter.

Tanong tuloy ng kausap namin, lahat daw ba ng nakakapareha ni Kris ay crush niya? Nagri-request daw ba ang aktres sa GMA-7 na ang mga crushes niya ang ipareha sa kanya?

Anyway, muling hahangaan ang husay umarte ni Kris sa Asawa Ko, Karibal Ko bilang si Ra­chel na hindi alam na becki ang asawa at nagpa-opera. Heto pa, makakaribal pa ni Rachel ang dating asawa sa bago niyang pag-ibig.

Iyakan na naman ito, kaya ihanda ang mga panyo. Si Mark dela Cruz ang director ng Asawa Ko, Karibal Ko.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.