Search
  • BULGAR

Hindi bawal — DENR | PARTY SA BORACAY, TULOY!


HINDI tuluyang ipag­ba­bawal ang pagsasa­gawa ng party sa Boracay Island, ito ang nilinaw ng Department of Environ­ment and Natural Resour­ces (DENR).

Sinabi ni DENR Un­der­secretary Sherwin Ri­gor na sa beach front areas lang ipina­pataw ang ilang ipina­tupad na po­lisiya, kaya ma­aari pa umanong mags­agawa ng party at iba pang beach ac­tivities kung ito ay ga­gawin sa loob lamang ng establi­simyento o malayo sa dagat.

Dagdag pa nito, layon lang umano ng polisiya na protektahan at panatili­hing malinis ang tubig at buhangin ng nasabing tourist destina­tion.

Ilan sa mga ipinagba­bawal itayo sa baybaying pasok sa 25.5 meter-ease­ment area ay ang mga lamesa, upuan, massage bed, pa­yong souvenir shop, stage at food stall, gayundin ang ilang na­kakabit na electric lights at wires ay tatanggalin.

Gayunman, epektibo ang polisiya sa White Beach Stations 1, 2 at 3 maging sa Puka, Ilig-Ili­gan at Bulabog Beaches. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.