• Green Lantern

BUMANDERA SI LAKAN

GAYA ng sinabi ko ma­ganda ang naging bakbakan sa naganap na 2018 Phil­racom “4th Leg Local 4-year-old & Above Stakes Race kahapon.

Banderang tapos si La­kan at ang pili natin na dehado na si Son Also Rises ang sumegundo, muntik pang manalo dahil nauluhan lang sa meta.

Kinapos ‘yung remate ni Son Also Rises, sa bandang labas siya dumaan kaya medyo napahirapan. Pero bilib ako sa ipinakita ni Lakan dahil paglabas ng aparato ay nalutsa agad siya, ang haba ng hininga, sa huling 50 metro ng karera ay naba­likan niya si Son Also Rises.

Sa unang race tampisaw agad ang mga dehadista sa pagkakapanalo ni Prince Jolo, nasegundo ang isa pang de­hadong si BeastMode na kasama sa mga tip na ibinigay ko.

Mga tropang karerista anuman ang piliin natin ay gawin niyong gabay sa pa­nanaya, siyempre ang masu­sunod ay ang kursunada niyo. Good Luck sa susunod na karera, Antabay lang sa mga tips na ihahain ko sa inyo.

14 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.