BULLPUPS, NILAPA ANG CUBS SA UAAP HS VOLLEY
- BULGAR

- Oct 22, 2018
- 1 min read

SADSAD sa kamay ng reigning girls titlist National University ang University of Santo Tomas, 20-25, 25-17, 25-15, 25-23 kaya nanatiling undefeated ang una sa nangyaring rematch ng last year’s Finals kahapon sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament sa Blue Eagle Gym.
Nagsalansan ng 19 attack points si Faith Nisperos kasunod si Alyssa Solomon na may 13 puntos bukod pa sa 7 digs upang pamunuan ang Junior Lady Bullpups sa ika-4 na sunod nilang panalo. Pinamunuan ni Janna Torres ang Junior Tigresses sa itinala nitong 8 puntos kasunod sina Imee Hernandez at Regina Jurado na may tig-7 puntos.
Sanhi ng pagkatalo, nalaglag ang UST sa ikalawang puwesto taglay ang markang 3-1, panalo-talo kasalo ng De La Salle-Zobel, na tumaas pagkaraan ng 25-15, 25-12, 25-14 na panalo kontra UP Integrated School.
Pinangunahan ang panalo ng Junior Lady Spikers ni Gabrielle Webb na may 9 na puntos.
Sa isa pang laban, nagtala si Sheila Mae Kiseo ng 11 puntos at 10 digs nang pataubin ng Far Eastern University-Diliman ang University of the East, 25-16, 25-15, 26-24 para sumalo sa Adamson University sa ika-4 na puwesto taglay ang parehas na kartadang 2-2. (VA)





Comments