Search
  • Alvin Olivar / MC

BANARIO, BET SI FOLAYANG KONTRA EX-FOE AMIR KHAN


NAKAPUSTA si dating ONE Featherweight World Champion Honorio Banario sa kanyang teammate na si Eduard Folayang na siyang magwawagi sa sandaling sumagupa na ito sa Singa­porean sensation na si Amir Khan para sa bakanteng ONE Lightweight World Title.

Ang dalawa ay nakatak­dang magbakbakan sa main event ng ONE: Conquest of Champion na idaraos sa Mall of Asia Arena sa Nob. 23. Ang 5-bout winning streak ni Banario ay itinaya niya na nauwi lang sa masa­kit na pagkatalo niya kontra Khan noong nakaraang Set­yembre.

Matapos ang palitan ng suntok sa opening minute, nagapi si Banario sa bisa ng rear-naked choke at puwer­sahan niyang iwagayway ang puting bandila sa 4:34 minuto ng unang round.

Aminado si Banario na hindi siya naging maingat sa laban kontra sa mas ba­tang martial artist ng Singapore, na pinaniniwalaan niyang si Folayang ay handang-handa sa paghaharap niya kay Khan sa ONE: Con­quest of Champions.

“I be­came careless and overcon­fident in our fight, but I don’t see Eduard ma­king the same mistake. We all know that he is a complete fighter. He has this style that Khan will have a hard time dealing with,” aniya. “When it comes to strength, striking and wrestling, Khan will have a hard time overco­ming Eduard in those areas. I’m not underestimating Khan, but Folayang is sim­ply on another level. Both are complete fighters, but Fo­layang is a much more ex­perienced veteran,” dagdag ni Banario.

Habang pinagmamas­dan niya ang pagsisikap ng Team Lakay comrade niya sa gym, nagpahayag si Ba­nario ng kanyang predik­siyon sa highly-anticipated lightweight title showdown sa pagitan nina Folayang at Khan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.