Search
  • Jeff Tumbado

2 construction workers nalibing nang buhay sa landslide

PATAY ang tatlong cons­truction workers habang tat­long iba pa ang nakaligtas makaraang matabunan ng lupa sa Baguio City, Sabado nang madaling-araw.

Unang nailigtas ang tatlo sa anim na construction wor­kers ngunit, nang gumamit ng backhoe para masagip ang tatlo pang natabunan ay dito muling nagkaroon ng pangalawang landslides at tu­luyang natabunan ang mga ito.

Batay sa ulat kay Police Chief Insp. Eddie Bagto, nasa edad 18 hanggang 31 ang mga biktima na nag­mula sa Pangasinan at Nueva Ecija.

Tumagal ng dalawang oras bago narekober ang bangkay ng tatlo dahil sa hu­marang na mga hollow block.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naghuhukay ang mga biktima para sana sa pun­dasyon ng riprap sa itina­tayong bahay nang biglang gumuho ang malalaking ti­pak ng lupa.

Inaalam pa ng pulisya kung may pananagutan ang may-ari ng itina­tayong ba­hay ng mga bik­tima kaug­nay ng malagim na trahedya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.